‘Grade 3 Na Mag-aaral’ Na Taga-Laguna Humakot Ng Dalawang Gintong Medalya At Tropeyo Sa Isang “Math International Competition”.

Para sa atin mga Pilipino napakalaking karangalan na ang ating mga kababayan ay namamayagpag sa anumang uri ng larangan. Mula sa larangan ng palakasan, sa singing competition, dancing competition at maging sa larangan ng pag-arte. Tunay nga na pagdating sa anumang kompetisyon masasabing nangunguna ang pinoy at laging handang patunayan ang taglay na husay.



Sa kabilang banda, isang bata ang nagdagdag ng karangalan sa ating bayan matapos niyang manalo sa isang kompetisyon mula sa ibang bansa. Pinatunayan ni Zac Harvey Gordula isang walong taon na batang estudyante na ang isang batang katulad niya ay makakayang mag-uwi din ng karangalan para sa ating bansa.

Ipinakita niya ang taglay na galing matapos niyang mag-uwi ng dalawang gintong medalya at isang tropeyo mula sa sinalihang international math competition.

Nagpakita ng angking galing ang Grade 3 student mula sa Lopez Elementary School sa harapan ng maraming tao at maging sa mga nakalabang mga estudyante na buhat pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa katunayan ay kasama si Zac sa mga nanguna sa isang individual na competition para sa mga katulad niyang Grade 3 students kung saan nanalo siya ng isang gintong medalya. Sa kabilang banda ay nasubok din ang kakayahan niyang maging kabilang sa isang team ng sumali siya sa isang group competition kasama ang mga mag-aaral mula sa bansang Vietnam at Indonesia kung saan ay tumanggap din siya ng isang gintong medalya matapos nilang maging rank 1 sa nasabing group contest.



Masasabing bukod sa paglinang ng kani-kanilang husay pagdating sa larangan ng Math ay target din ng kilalang Singapore Math Global Team na mapalawak pa ang kakayahan ng mga bata na makisama kung saan masusubok ang kanilang teamwork.

Sa kabilang banda, wagi din ang matalinong estudyante ng isang tropeyo matapos siyang kilalanin na ‘OverAll Runner-Up’ sa lahat ng mga katulad niyang Grade 3 students na lumahok sa nasabing kompetisyon.

Masasabing bata pa lamang talaga ay magaling na si Zac sa larangan ng math sa katunayan hindi ito ang kauna-unahang pagkataon na ginawaran siya ng parangal dahil sa taglay na galing . Kamakailan lang ay tumanggap din siya ng medalyang ginto sa isa ding International Competition ang International Math Olympiad Challenge na ginanap sa kalapit na bansang Singapore. At bukod pa dito ay nag-uwi din siya ng dalawang bronze medal sa naturang kompetisyon.

Samantala, sobrang tuwang tuwa ang pamilya, kaklase, mga guro at ang buong eskwelahan ni Zac sa nakamit nitong karangalan. Maging ang mga kalugar niya ay ipinagmamalaki ang 8 taong gulang na bata. Sa kabilang banda sobrang proud ang ina ni Zac na Mrs.Cherille Zaira Gordula sa mga natatamong tagumpay ng kanyang anak.