#IponChallenge ng 6 na Taong Gulang na Bata Umabot ng Halos 16,000 sa Loob ng Isang Taon

Isa ka rin ba sa gumawa ng “Ipon Challenge” na nagsisimula pagkatapos ng bagong taon hanggang matapos ang buong taon? o kabilang ka sa mga taong sa umpisa lang nagipon pagkatapos ng ilang buwan ay binuksan o ginamit din ang ipon?.

Marami ang nagtatagumpay sa “Ipon Challenge” at karamihan sa kanila ay binibilang ang kanilang napag-ipunan kapag malapit na ang pasko o baong taon at binabahagi nila ito sa kanilang social media account.



Karamihan sa mga nakakatapos ng buong taon ng pag-iipon ay nagiging inspirasyon ng ibang netizens para magsimula ding mag-ipon sa darating na bagong taon. Marami ang nagtitipid para magawa ang "Ipon Challenge" pero hindi lahat nagtatagumpay lalo na kung kung marami kang mga importanteng bagay na dapat paggamitan ng pera.

Ngunit isang bata na nagngangalang Juris Estrada ang nakagawa at nakatapos ng hamon na ito at sa loob lamang ng isang taon ay nakaipon na siya ng mahigit 16,000.00.

Ang ina ni Juris na si Joan ang nagbahagi ng larawan ni Juris katabi ang mga naipon niyang pera sa Facebook account nito. Ayon sa post ni Joan simple lang daw ang nais ng kanyang anak na si Juris sa kanyang naipon at ito ay ang bumili ng bagong pares ng tsinelas dahil nasira ang gamit nitong tsinelas.



Nilagyan naman ni Joan ng caption ang kanyang binahagi na larawan ni Juris ng,

"Ipon challenge accepted On. Bukasan na!"
"#1yearuptoherbirthday"
"Proudofyouate".

Dagdag pa nito sa kanyang caption ang pagiingit sa mga tito at tita ni Juris dahil daw "ipon goal" ang kanyang anak kaysa daw sa "gastos goal" at mabuti pa raw ito nagawang makaipon kahit nasa murang edad palang.



Talaga namang pinahanga tayo ng batang si Juris dahil nagtyaga siyang tapusin ang nasabing "Ipon Challenge". Sana marami pa ang mainspire ni Juris na mas inuna ang "ipon goal" kaysa sa gumastos ng gumastos kahit hindi naman talaga kailangan.