‘Araw Gabi’ Aktres Na Si Barbie Imperial Naging Maligaya Ngayong Pasko At Bagong Taon Dahil Tapos Na Ang Sariling Bahay

Ang araw ng kapaskuhan at bagong taon ay ang panahon kung saan lahat ay punong puno ng pag-asa at kaligayahan. Sa panahong ito kabi-kabilaan ang pagdiriwang, gayundin ang pagbibigayan ng regalo. At marahil ang masasabing higit na makukuhang aral sa natatanging okasyon ang pagpapasalamat sa Maykapal sa mga pagpapalang natanggap sa buong taon.

Photo Credit: Barbie Imperial Instagram

At isa na ang aktres na si Barbie Imperial na lubos ang kasiyahang nararamdaman ngayong kapaskuhan at sa darating na pagpapalit ng taon. Dahil sa wakas ay nakamit na niya ang isang pangarap sa kanyang buhay ang makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanilang magpapamilya.

Sa kanyang Instagram account ay masaya niyang ibinahagi ang natanggap na pagpapala ngayong kapaskuhan

“barbieimperial Dream come true! And I still can’t believe it. Bago matapos ang 2019.. I finally have my own house! 😭 ang tagal ko pinaghirapan at pinag ipunan ko to, thank you Lord!”

masayang sabi pa ng Kapamilya artist.

Sa kabilang banda lubos ang pasasalamat ni Barbie sa lahat ng mga nasa likod upang maabot ang simple ngunit makabuluhang pangarap.

“Syempre thank you to everyone na nagtiwala sakin from PBB, Showtime, RSB shows, MMK, iWant, movies, mallshows, endorsements at syempre sa mga supporters ko. Thank you dahil sainyo napasaya ko ang family ko. Merry Christmas indeed!! House 🏡😭❤️”

taos-pusong pasasalamat pa ng “Taiwan That You Love” actress.

Photo Credit: Barbie Imperial Instagram

Ilang mga tagahanga ang masayang bumati sa bagong achievement na naabot ng kanilang idolo

“binibiningcarlotaa Congrats ate 💖 Deserve mo yan kase lahat ng meron ka ngayon alam naming pinaghirapan mo 💖Mahal ka namin 💖”,
“sprinklesslove You deserved all the blessings! Congrats again! Love you ❤️❤️❤️”,
“vkiesunlimited_00 Congrats bie and merry xmas ur family deserve mo yan lahat khit anong pagsubok sa life lagi ka lang mgtiwala at patuloy ang pananampalataya sa Panginoon very blessed taung lahat be humble always GOD bless us ❤️❤️❤️”,
“sheng06tomas deserved mu lhat yan bhie,congrats again 👋🙌 😍 andito lang kmi lage sau susuporta,mhal k nmin”,
“mellepretty happy for your successes girl ko 🔥😍❤️”,
“leapajara Congrats bie ❤️❤️❤️ Iloveyou! I will always support you 😊❤️”.

Unang nakilala si Barbie ng maging isa siya sa housemate ng Pinoy Big Brother:737 kung saan nabansagan siyang “The Doll along the Riles of albay” dahil sa mala-manyikang mukha. At bumida rin siya sa ilang palabas gaya ng Love Me Tomorrow, La Luna Sangre at Wansapanatym: Gelli in a Bottle. Nag-bloom ng husto ang kanyang career ng bumida siya sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabo kung saan nakasama niya ang aktor na si JM de Guzman.

Happy Holiday po Kapamilya Ms.Barbie Imperial!!