Tikman: ‘Bes-Tea’ Business Ng Mga Besties Na Sina Pia Wurtzbach, Pauleen Luna At Nina Almoro Sa Isang Mall Sa Alabang

Talaga namang nakakatuwa ang magkaroon ng mga kaibigan na makakasama mo sa mula sa simpleng food trip sa tabi-tabi hanggang sa mga road trip sa mga kilalang destinasyon. At tunay ngang napakasarap na mapagkalooban ng mga taong maaasahan sa panahon na kailangan mo ng balikat na masasandalan.

“Anything is possible when you have the right people there to support you –Misty Copelan”

Tunay na sa tulong ng mga maaasahang mga kaibigan magiging matagumpay anuman ang iyong pagplanuhan. Katulad ng mga real life bestfriend na sina Pia Wurtzbach, Pauleen Luna at Nina Almoro na bukod sa mga tagumpay sa kani-kanilang mga career ay napagtagumpayan na rin ang bago nilang achievement sa buhay.

Matagumpay ng na-ilaunch ng tatlong magkakaibigan ang bago nilang milk tea business na tinawag nilang ‘Bestea’ nitong December 20 lang at ayon pa sa beauty queen excited na silang magbukas dahil personal nilang inasikaso ang mga kakailanganin para sa bago nilang pagkakaabalahang negosyo.

Photo Credit: Pia Wurtzbach Instagram

Sa Instagram ng Miss Universe 2017 ibinahagi niya ang larawan nilang magkakaibigan habang may mga hawak na milk tea.

“piawurtzbach This is it guys! My besties and I have been working hard and really looking forward to this – it’s finally the soft opening of Bestea @bestea_ph in Festival Mall Alabang starting today. 💚 Come drop by and try the PIA drink…can anyone guess the flavor? 😉”

caption pa dito ni Pia.

Photo Credit: Pia Wurtzbach Instagram

Samantala, pagkatapos ng araw ng pasko ay muling nagbahagi ang taong gulang na magandang dalaga ng larawan noong minsang bisitahin niya ang shop bago pa ito magbukas.

“piawurtzbach Just a little #Throwback post to one site inspection over at Bestea in Festival Mall Alabang 💚 It’s always a little nerve wracking trying something new like opening a business. But @ninaalmoro, @pauleenlunasotto and I were so excited and hands-on with this one. It’s really nice to see our menu boards up a few days before our soft opening..and to just have it all come together. Hope this inspires you to try something new and to just go for it! We all learn new things along the way…😉 Let us know what flavor you like best okay? Please follow @bestea_ph and tag me in your posts! 💚 #LetsBeBesteas

Mensahe pa ng businesswoman na beauty queen.

Ilang mga netizen ang excited ng puntahan ang ‘Bestea’ shop ng tatlong magkakaibigan.

“itsmecindyscent Pupuntahan ko yan bukas 😋😋😋”,
“evosampan Congratulations Pia! 👋👋👋 Kahit malayo ako sa Alabang, pupuntahan ko yan para sayo Queen P. ❤️❤️❤️”,
“geraldinethe_queen I wanttt ❤️ kelan po grand opening? 💖”,
“beabuensuceso OMG HI I LOVE U I CAN’T WAIT TO TRY 😍😍😍”,
“maricelganio Saya nmn nla sweet friends ❤️😍 loveu guys God bless 🙏😘😘😘”.

Congratulation besties Pia, Pauleen at Nina sa “BESTEA” business niyo!