Kiligin: Isang 97 Taong Gulang Na Lolo Pinakilig Ang Mga Netizen Matapos Na Bumili Ng Ukay-ukay Na Damit Bilang Regalo Sa Asawa

“I love it when I see old couples together because it makes me believe that true loves does exist”, paano nga ba mapapanatili ang tamis ng pagmamahalan ng dalawang pusong nangakong sabay na haharapin ang walang kasiguruhang kinabukasan. Ano nga ba ang magpapatibay sa kanilang pangako at mithiing na sila at sila pa rin hanggang sa dulo ng kanilang pagmamahalan.

Tunay nga naman na nakakakilig tingnan ang dalawang taong nag-iibigan na maging ang sukat ng panahon ay hindi nagawang palipasin ang nadarama para sa isa’t isa. Bagkus ay nagawa nilang panghawakan at kapitan ang kamay ng bawat isa na ang tanging dalangin ay sabay nilang abutin ang katapusan ng kanilang istorya.



At para kay Tatay Gaspar pinakilig niya ang maraming netizen matapos na patunayan na wala sa edad ang pagiging sweet lalo na pagdating sa katagang pag-ibig. Sa facebook account ng netizen na si Janina Ulanday ay ibinahagi niya ang nakakakilig na encounter sa 97 taong gulang na matandang Lolo.

Sa naturang post ni Janina ay ikinikwento niya kung paanung nakuha ng matanda ang kaniyang atensiyon,

"This old man caught my attention as I enter the store. Tinitignan ko lang siya kasi feeling ko kanina pa sya namimili ng mga damit. At first, akala ko nagtitingin sya ng damit para sa kanya pero npansin kong puro pambabae yung tinitignan nya", sabi pa nito.

Samantala, dahil na rin pagnanais niyang matulungan ito ay hindi na siya nahiyang lapitan pa ito kung saan nalaman na ang damit pala na pinipili ay ipanreregalo sa kanyang asawa,

"After a while, nilapitan ko sya para tulungan maghanap so I asked him "para po kanino tay?" he didn't even bother to look at me. Sumagot lang sya "para sa babae." I asked him again "pang regalo po ba?" He look at me as he raise the hanger "para sa misis ko. Maganda ba?" I smiled "opo tay,maganda" tinanong nya ulit ako "tingin mo magugustuhan ng babae to?" I said "opo naman,tay!" . Tumawa sya sabay sabing "hindi pala sayang yung tagal kong naghanap. Para kay misis to. Para may pang-alis siya. Salamat ha?" I just said "ingat po kayo tay.",

pagbabahagi pa nila sa kanilang pag-uusap.

At ayon pa sa netizen na si Janina napahanga talaga siya ni Tatay Gaspar dahil kahit na nakabili na ito ng ireregalong palda sa kanyang asawa ay hindi pa kaagad ito umalis dahil pumili pa pala ito ng makakaternong blouse,



"Akala ko aalis na sya. Pero pumunta naman sya sa skirt section. Nagtitingin pala sya ng ipapares nya sa blouse na napili nya. And this scene touched my heart. He's old. He walks slow, cannot stand straight but despite all these, he still managed to go to store to buy somehing for his wife. 🥰💕❤💘", pahayag pa niya.

Tuwang-tuwang ibinahagi ni Janina ang aral na natutunan niya sa sandaling pakikipag-uusap sa 97 anyos na lolo,

"Totoo ngang panahon lang ang lilipas, madadagdagan ang edad, kukulubot ang balat pero ang pusong nagmamahal ng tunay hindi makakalimot, hindi tatanda, makakaalala kahit ang mata hindi na makakilala. 💕❤💘🥰 SANA ALL 💕", pagsasabi pa niya.

Ilang mga netizen ang napa-'SanaAll' dahil sa pagiging malambing at maaalahanin para ni Tatay Gaspar kahit sa kabila ng edad nilang mag-asawa,

"Ses Con -Ganyan ang tunay na lalaki 😍 salamat po lolo kc kahit papano ayy gumanda ang image nating mga lalaki😍😍 Isa kang huwarang asawa😊😊😊","Emie Gines Banzales -I remember my husband who always do shopping for my clothes and personal things. He always had the best choices for me. He didn't grow old coz he's gone so soon.😥 I miss him so much😥",
"Ghislain Orgil -Sana ul",
"Nicah Borce Balanay -Haalllaaaaaa. My heart❤",
"Rhea Torreliza -Sana all! Mag effort...😊".

Nakakabilib at nakakakilig po kayo Tatay Gaspar!!!