Silipin: Kakaibang Pre-Nup Pictorial Ng Magkasintahang Mula Sa Cebu Base Sa Tunay At Real Life Scenario Pagkatapos Na Maikasal

“Don’t be afraid of being different, be afraid of being the same as everyone”, sa panahon ngayon na kung anu ang usong-uso at mas maganda yun pagkakagawa yun ang click na click talaga at marami ang gumagaya. Mula sa travel goals, mga patuk na patok na pagkain at maging sa games na kinahihiligan ng bawat isa masasabing tunay nga na malaki talaga ang impluwensiya ng mga napapanahong kinahihiligan.



Sa kabilang banda, hindi naman naging batayan ng dalawang magkasintahan na sina Angelie Jean at Paul Laput na gayahin ang mga tipikal at nauusong pre-nuptial pictorial. Dahil kung ang iba ay todo postura, mamahaling kasuotan at magagandang back ground ang bumibida sa once in a lifetime na okasyon ng kanilang buhay mas pinili naman ng dalawa na maging kakaiba.

Sa mga ilang larawan na inupload ng kanilang official na photographer na si Gail Geriane ay mula sa kanilang pre-nup photo shoot ay makikita ang dalawang nagmamahalan na all smile habang todo pose pa sa pinili nilang mga eksena para sa kanilang pre-nuptial pictorial.

Sa facebook timeline ng photographer ay ibinahagi niya ang larawan nila Anj (Angelie Jean) at Poy (Paul Laput) na mula sa kanilang pictorial,

“ENGAGEMENT SESSIONS | Anj & Poy 💍
Been dying to share this prenup I did last month in Cebu! When miss Angelie Jean asked me if we could keep the shoot as natural and authentic as possible, I knew I was in for a really fun engagement session. I love it when clients give me creative freedom. These really show how these two were great to work with.Thank you miss Anj and sir Poy for giving me a set I definitely won’t forget. I hope you love these as much as I do! Swipe up for more of their prenup story! Visit our page for more! Make up by Janna Ingan Specially thanks to Ranran, Arra Villanueva, Tee Mallari, and Marie Jeune Gail Geriane Photography 🌸”,

masayang pagbabahagi pa ni Gail dito.



At masasabing talagang naging kakaiba ang nasabing pictorial dahil ang mga eksena doon ay tipikal na mga pangyayari na nagaganap sa buhay ng isang mag-asawa na. Tunay naman nabigyan ng magandang kuha ito ng photographer na si Gail at talaga namang makikita na masayang-masaya ang dalawa habang ipinopotray nila ang real life scenario matapos na sila ay maikasal na.

Samantala, maraming mga netizen ang humanga at napabilib sa simple ngunit makatotohanang pre-nuptial pictorial nila Anj at Poy,

“Mylene Madiam Ballesteros -Best ever prenup ❤️Congratulations 👏🏻”,
“Vilma Marco Ababao -Real! Sa totoo lang! 😃😊😅💪💪💪👍👍👍👍👍👌”,
“Erica Gleabo -Uy! Ang ganda ng ideas para sa next prenup photoshoot ahhaha”,
“Khryzette V. Legzdiņa -cute kaayo ay ♥️”,
“Ger Victoria -The most contented love photos!!!!!!!”,
“Joan Teofisto -simple at masaya 🥰🥰🥰”,
“Carla Calvelo-Honrado -Aliw!!!! Very nice concept and photos”,
“Odessa Avenido -So nice 😍 very realistic”.

Nakakabilib at sobrang totoo po, Congratulations po sa inyo!!!