Isang Pinay Sa Japan Nagbigay Ng 1000 Piraso Ng Libreng N95 Mask Bilang Tulong Para Sa Mga Kababayang Naapektuhan Ng Bulkang Taal

*No act of kindness, no matter how small, is ever wasted -Aesop”, totoo naman na sa pagtulong ay hindi mahalaga kung gaano ito kalaki o gaano man ito kaliit dahil ang nagpapabigat dito ay ang layuning makatulong para sa mga nangangailangan.

At masasabing mas nagiging makahulugan at makabuluhan ang anumang bagay na nagmumula sa iyo kung lalakipan mo ito ng pinakamahalagang sangkap sa lahat ang pagmamalasakit na may kasamang pag-ibig.

Ito ang pinatunayan ng isang Pinay na kasalukuyang nasa bansang Japan matapos niyang tulungan ang mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal. Sa simple ngunit masasabing napaka-makabuluhang ay nakapag-ambag ang ordinaryong netizen na si Glendy Cruz ng malaking tulong sa mga kapwa Pilipino matapos na magbigay ng 1000 piraso ng libreng N95 Mask para magamit kontra sa mga nagbabagsakang ashfall na mapanganib sa sinumang makalalanghap nito.



At dahil nga sa kalamidad ay maraming kinakailangang tulong ng mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad at isa na nga dito ay N95 Mask. Dahil nga sa makapal na ashfall na nagmumula sa bulkan ipinayo ng mga kinauukulan na gumamit ng mga mask na panglaban dito dahil na rin sa masamang maaring maidudulot nito sa kalusugan.

Sa kanyang facebook account ay ibinahagi niya ang mga larawan ng N95 mask na ipapadala niya bilang tulong sa mga kababayan,

“I will donate 1,000pcs of N95 mask. Thank you Angela Lauchengco sa help para makarating sa Manila❤️ #JapanToManila”, nakakabilib na caption pa dito ni Glendy.

Ibinahagi rin niya ang pagkadismaya matapos na may lumabas na mga bali-balita na pinagsasamantalhan na ng iba ang pagbebenta ng naturang mask sa hindi makatarungang halaga. Dahil mula sa dati nitong presyo na Php 20-30 ay pumalo ito sa halagang Php. 200-300,



“Grabe!! ginawa pa business! hirap na hirap na nga mga tao ginigipit pa!!😡”, diretsong pahayag pa niya.

Ilang mga kababayan ang humanga at pumuri sa ginawa ng Pinay na si Glendy,

“Andrea Marie Tan Selmo -Thank you po! 🙏🏻❤️”,
“Jo Santos -The best ka Glendy👍👍👍Glendy Cruz”,
“Keith Ashley -salamat po may godbless you 💖”,
“Wilma Santiago Esturco -May God bless you a thousand fold ✨❤️”,
“Nene Rizza Garcia -Good job 💕💕💕po God Bless 💕💕💕”,
“Divine A. Arene -Thank you for your good heart! ❤️”,
“Aisa dela Cruz -Thank you madame! May God bless you more.🙂”,
“Charlyn Adto -Godbless po sa inyo mam..😇😇”,
“Lenghai Lenghai -mabuhay ka glends🙏👼💗”.

Iba ka po Kababayan Glendy Cruz saludo po kami sa inyo😊👍!!!